Ito ang header.
Nakokornihan na kasi ako sa header ko kaya tinanggal ko na.
Di naman ako makagawa ng bago dahil walang Photoshop o Fireworks dito.
Hmmm...

 



October 27, 2008
 
I'M (temporarily) BACK!!!

almost one year nang walang post... aalisin ko na nga sana to nung february pa eh... balak ko kasi lumipat, kaso nawalan din ako ng oras (at inspiration) para mag-design ng bago... hanggang ngayon di pa ako makapag-design... nami-miss ko na ang web design... huhu... kahit na ilang beses nang marami akong gusto sabihin, maraming gustong ilabas, wala naman ako mapagsabihan... at kahit dito na wala naman makikinig, di ko pa rin masabi (kasi nga half-deleted na to...)

pero ngayon kasi...

masyado na malungkot...

masyado na masakit...

kaya kahit dito na lang... kaya ko binuhay uli ito temporarily...

masyado lang akong........ hhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyy..............

PUTANGINA!!!




tangina...
tangina...
tangina...


ganto rin pala ang kahihinatnan...

wag naman :(




- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 05:12 pm -

// meron na 1 comment  




January 29, 2008
 
untitled

tagal nang walang entry... di ko naman nakakalimutan to kaya lang, di talaga ako makapag-post... madalas wala kasi oras para mag-post... minsan naman tinatamad... pero problema din kasi, na kahit may gusto ako ilabas dito, o gusto lang may maikwento, bago ko pa maisulat, nawawala na sa isip ko kung pano ko ba sya dapat sabihin... di ako writer, at isa sa mga dahilan kung baket hindi ako magaling na communicator ay... yung mga dumadaloy sa isip ko, mga abstract... inside of my mind, i perfectly understand what i think and feel, but most of the time, they lack the form of letters and words and speech... wala lang ako magawa ngayon kaya nagsulat ako... wala lang... gusto ko lang magreklamo... i feel so tired... apat o limang beses na ata ako nago-overnight in the past 3 weeks... at di pa ako nakakatulog ng maayos for... hmm... 8 days na ata... puro OT... at yung last 2 times na nakahiga ako sa kama ko ng maaga, hindi naman ako makatulog... kagabi hatinggabi na rin ata ako dinalaw ng tulog... di na maganda pakiramdam ng katawan ko... ngayon ko lang din napansin na sobrang pagod na pala ako... rrrgggghhh... overnight pa pala ako ngayon... di pa nagsisimula trabaho, pero gusto ko na umuwi... ayoko na mag-overnight... hay... sabagay dagdag OT, kelangan ko pa naman ng pera... hehe... pero kung mapupunta rin sa pagpapagamot sa sarili ko, balewala rin... matulog na lang muna siguro ako... 12MN pa naman start ng activity... may 2 hours pa para magpahinga (+1 hour travel papuntang IDC)... zzzzzzzz.... zzzzzzzzzzz.... shet...... meow......... yawn.........................



- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 08:42 pm -

// comment  




January 11, 2008
 
"X"

matagal na rin walang update... tinatamad kasi ako mag-post...
busy, saka tinatamad lang talaga mag-post... gusto ko nga palitan to eh...

pero ngayong araw ay espesyal... kelangan ko mag-post kahit man lang ganito:



WOOOOOOOOOOOOOOOOOH!!!!!!!!!!!!!


TEN
YEEEEAAARRRRRSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!




masaya talaga alalahanin ang araw na to... kalahati ng buhay ko na to, at ito yata ang tinuturing ko na pinakamalaking blessing sakin... sa kabila ng lahat ng kapalpakan ko...

sana may masabi pa ako... pero sa ngayon, personal na muna to... between Him and me na lang...

kung di lang ako puyat kagabi, dapat pala nag-serve ako kaninang umaga... hmm... simba nalang ako mamaya...







- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 01:09 pm -

// comment  




December 18, 2007
 
i've made up my mind

DI NA AKO A-ATTEND NG CHRISTMAS PARTY NA YAN!!!

uuwi na lang ako pagkatapos ng implementation bukas...
ano naman ang silbi kung umatend ako ng party tapos magka-absent naman sa simbang gabi? or mag-collapse sa pagod?
corny naman yung Christmas party namin, kelangan naka-80s costume... ano naman isusuot ko? pag di daw naka-costume magbabayad ng P500. baduy! wag na nga lang! magpapahinga na lang ako... sabihin na nila gusto nila sabihin, adik ako sa trabaho? walang life? nerd? maarte? (dahil di ako kumain nung Christmas party ng team last week)

bahala kayo...

di ko naman kelangan sumunod sa nakasanayan ng mundo para maging kumpleto ang buhay ko... isa lang naman ang talagang mahalaga...

ano yun? dapat alam nyo na yun...




- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 11:00 pm -

// comment  

 
frustration is mounting!

gggggrrrrrrRRRRR~~~~~~

ahh syadap!... ayoko mainis...



- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 10:52 pm -

// comment  

 
suicide mission

anong oras na? 10:30PM?
hmm... judging sa progress ng pag-extract ng files, aabutin siguro ako ng hatinggabi dito...

makakauwi ako samin ng mga 1:30... tapos 3AM gigising na uli ako... di pwede umabsent sa Simbang Gabi...

tapos pagkatapos na pagkatapos ng misa, papasok na agad ako dahil kelangan nasa office na ako ng 6AM... yun yung bargain eh... di ako pumayag na mag-overnight (dahil nga kasi sa simbang gabi), pero dapat nasa office na ako ng 6AM...

ayun... malamang bangag bangag ako nun... naisip ko sana mag-halfday at umuwi ng tanghali, kaso Christmas party naman kasi sa gabi... wag na lang kaya ako umatend? sayang naman... ayoko masabihan na hindi ako umatend ng party dahil nagpakabaliw sa trabaho (sigurado meron hihirit ng ganun eh...)
ayun, dahil party, malamang super late na naman matatapos yun, at 3AM na naman ang gising ko kinabukasan... wish ko lang payagan ako mag-leave, eh yung leave ko nga for next week hindi pinayagan... but that's another story, at pagod na rin ako ikwento yun dahil ang dami ko na napagreklamuhan nun...

hehe... kayanin kaya ng katawan ko?




- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 10:25 pm -

// comment  




December 16, 2007
 
SIMBANG GABI NA!!!!!!!

simula na naman ng masayang puyatan! malapit na mag-Pasko!


- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 06:05 am -

// comment  




December 6, 2007
 
hmm...


cellphone cellphone wallet

ang wallet na may cellphone
baterya nito ay lithium
international pa ang roaming
ang wallet na may cellphone
CELLPHONE CELLPHONE WALLET!



- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 06:54 pm -

// comment  




December 4, 2007
 
hinga muna

parang ang dami ko ginagawa at iniisip the past few weeks...
OK, so tapos na nung Linggo yung  para sa  simbahan... (saka ko na ikwento)...
sa trabaho? hmm... dapat hindi ako papasok kahapon eh... pakiramdam ko naubos ko na lahat ng lakas ko para mag-isip pa... sa kasamaang palad, pinapasok ako at may pinatapos na DALAWANG gawain... kaya ayun, yung dapat na i-absent ko, napa-OT pa...
pero at least natapos na... wala na muna ako iisipin sa trabaho... di muna ako aamin na medyo wala na ako ginagawa

>:)



- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 09:25 am -

// comment  




November 26, 2007
 
---

Nababasa natin sa Bible, o kaya naman ay naririnig sa Simbahan yung tungkol sa isang gabi na nasa bangka ang mga Alagad nang biglang bumagyo ng malakas. Nung mga saglit na iyon, natutulog ang Panginoon sa likod ng bangka. Sa takot ng mga Alagad, ginising nila ang Panginoong Hesus. At isang himala ang kanilang nasaksihan. Sa pamamagitan lang ng ilang mga salita, pinatigil ng Panginoon ang ulan at hangin, at ang dagat ay naging payapa uli.....

---

Nitong panahon ng tag-ulan, unti-unting napupuno ang Laguna Bay na kapitbahay lang namin. Although hindi pa bumabaha ng malubha sa amin ngayong taon, dumarating na sa point na wala na aagusan ang tubig palabas ng subdivision namin dahil napupuno na ang ang lawa. Sa tantiya ko, isang buong araw ng malakas na pag-ulan at babaha na naman. Yung tipong ilang linggo bago tuluyang mawala. At kung medyo masama talaga, papasok na naman sa loob ng bahay. At kinakabahan ako ng sobra pag naiisip ko yun. Medyo na-trauma na rin ako. Di ko alam kung papaano ipapaliwanag, pero siguro kung naranasan nyo na, ganito rin mararamdaman nyo.

---
Bagyong Mina. Pinangambahang maging super-typhoon. Mananalasa sa Bicol bago tamaan ang Southern Tagalog. Sa isip ko, lagot na...
Nagdasal ako. Samahan mo pa ng Rosary habang nasa bus papasok ng office (palaging tumutulong si Mama Mary). Buong araw, pag naaalala ko, tumitigil ako saglit sa pagtatrabaho para magdasal saglit. Alam ko na pinakikinggan Niya ako. Someway, somehow, maililigtas Niya kami. For the rest of the day, tinalo ng pananampalataya ang kung ano mang takot. Sa pakiramdam ko pa lang na ganun, tingin ko milagro at grasya na ng Panginoon. Pero sa pag gising ko pala kinabukasan, meron mas malaking himala.

---

Sabado ng umaga. Late na ako bumangon sa higaan. Narinig ko na lang bigla ng tanungin ni mama yung kapatid ko. Kumusta na daw yung bago.

"Sa Aurora na daw tatama. Tumigil daw sa paggalaw eh. Tapos nag-iba ng direksyon"

Yun ang sabi ng kapatid ko na nanonood ng TV sa sala. Or something like that.
Nawala ang antok ko. Nakahiga pa ako, at medyo naka-kumot pa dahil malamig (at malamok), pero sa isip ko nagsisigaw na ako sa tuwa at sa pagpapasalamat kay Lord. Eto yung mga panahon na ano eh... di ko maipaliwanag. Di ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Naisip ko lang na dapat ko isulat to. Para kung may makakabasa, malaman lang niya yung experience ko na to. Naniwala ako sa Kanya na kaya Niya kami iligtas sa bagyo na yun, pero nung mapag-isip-isip ko na... bagyo yun eh! Kung panonoorin mo ang weather report, mas malaki pa siguro sa Luzon yung sakop nung mga ulap. Pero nung narinig ko na "tumigil" daw sa paggalaw, parang naisip ko na pinigil talaga ni Lord at iniliko ng daan yung bagyo papalayo samin. Na-amaze ako dun sa display ng power na yun. Na ginawa Niya sa bilang pagsagot sa mga panalangin namin. Basta. Da best. Syempre di ko rin naman kinalimutan na ipagdasal yug mga taga-Aurora at kung san man tatama yung bagyo. Hay. Di ko na alam sasabihin ko. Basta gusto ko lang talaga isulat to. Yung mga experience na ganito.

(Naku, nagyayaya na umuwi.)

Basta, THANK YOU LORD.




- tinatamad na naman magtrabaho si arian nung 08:24 pm -

// meron na 1 comment  




Next Page

TAG BOARD

   





TIME SPACEWARP


<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31






BROUGHT TO YOU BY

Get Firefox!







Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed